Bought DEFECTIVE NOKIA ASHA 200 DUAL SIM on this person (MAY 26, 2013) SM North EDSA


Better READ this and think before dealing on this person.


Sorry bro pero you really deserve this BAD FEEDBACK on your account.

He sold nokia asha 200 for P1,500 only. Di na ako tumawad kasi makinis naman ang unit at mejo complete. Knowing na kaduda duda yung price dahil mura masyado i grabbed it pa din.

We met at SM north at 6:30pm. Maganda yung unit, makinis nman kahit papano. maayos makipag-usap halos turuan pa ako magcheck ng fone niya not knowing na marunong naman ako magcheck. Siya pa magtetest sayo ng CP niya.

First I Noticed nung ittry ko na yung SIMCARD ko sa fone niya, gusto nia ilagay lang nya sa HOTSWAP para di magalaw yung SIM1(main) sa loob. then ok naman. tapos after several testing, ok naman lahat. sabi ko i-Tatry ko na yung simcard ko sa SIM1. ayun mejo kinakabahan pa si sir. 1st try, AYAW tanggapin simcard, tinawag nia si wife while saying "Nangangamuhan ata sa misis ko".
kinakabit na ng wife nia simcard ko sa SIM1 slot, then failed pa din di pa rin nagopen dahil di madetect simcard (NO SIMCARD kumbaga). then napagana na ni wife sim ko. sabay sabi "sensya na NaNGANGAMUHAN itong CP". tapos binigay ko na bayad ko na P1500 at umalis na kami.

paguwi ko sa bahay wala ng signal CP. then tried to restart, NO SIMCARD pa din. halos 6x ko i-ayos ang simcard para gumana. then pag gumana na eh nagno-NO SIMCARD at walang signal.
inobserbahan ko pa din,. then kaninang umaga tinawagan ko si sir. sabi ko My problema unit nia, sabi nia "Tinry naman daw namin kagabi at ok naman daw. Lagyan ko daw ng papel para gumana yung sim". Sa isip isip ko naman, nung nagdeal kami sabi nia no defects daw at panalong panalo daw ako sa unit. murang mura na. tapos nung bandang lunch nagkausap kami, sabi nia lagyan ko daw ng papel yung part ng simcard para maipit at madiinan yung sim. ayaw pa din. nagloloko tlga SIM SLOT. then sabi ko ibabalik ko na lang, pumayag naman sya. then nagupdate ako bandang hapon, walang reply. text ulit ako bago umuwi di pa rin nagrereply. then nung nasa byahe na ako pauwi. sabi niya "PROBLEMA PARE, NAGASTOS ko na yung pera".

Then I concluded: HE sold me a DEFECTIVE PHONE. Basta makabenta lang. GRABEH, MAliit na halaga lang. P1500 lang po yun mga kaTCP'er. sa halagang P1500 eh pinakita ng taong ito kung sino sya. Napakaliit na bagay.

MAG-isip isip kayo bago kayo makipagdeal. wag gawing basehan ang feedback na nasa account.. yung Hundreds at thousand feedback nga ngagawa pang manloko eh.

Paano pa pag Malalaking halaga na ang nabili mo sa kanya? edi sasabihin lang din nya "PASENSYA NA NAGASTOS KO NA YUNG PERA"

Sir SALAMAT sa DEFECTIVE mong phone. Wala lang sakin tong nabili ko sau. kaya ok lang na hindi mo na ibalik yung P1500. sana sa susunod yung ibang makakabili sau wag mong ganyanin. Binabypass mo after mo makabenta.

BE HESITATE to buy on this person. NOT RECOMMENDED. Don't look too much on package, cosmetics and sales talk.


External Image