Bottomline: Wag maniwala sa mga sinasabi ng taong ito. Defective yung mga items niya, and hindi niya sasabihin sa inyo yun. Kung nagkamali naman kayong bilhin yun, di na niya kayo papansinin after ng deal niyo.
Story -- I bought an N95 classic from this person. Syempre pinagkatiwalaan ko siya. Sabi niya, almost new daw yung phone, 8GB yung microSD, and never been repaired, and no issues at all.
In actuality, class A na lang yung housing, 1GB microSD lang yung kasama, and halatang mejo abused na yung screws, and may issues sa LCD (may water damage).
Pero okay lang sa 'kin yun. Ang problem, nung tinest ko sa PC, hindi ma-recognize. So I texted him. Nung una, sinasabi niyang working yun, pero apparently hindi. Then bigla na lang siyang hindi nagreply sa messages ko. TInext ko siya na hindi naman ako humihingi ng refund, basta ayusin lang niya kung anumang defect ng phone na binenta niya sakin. Wala, hindi na nagreply kahit kailan.
It's etiquette lang na magreply sa inquiries ng customer mo. Alam ng lahat ng sellers yan. Isang reply lang hinihingi ko, wala pa. Imposible namang wala siyang masasabi.
Beware. Yung items niya, baka defective yun. Kung bibili pa rin kayo, just make sure na i-check ng mabuti yung bibilhin niyo.