Bro, sa susunod na makipagdeal ka, siguraduhin mong sisipot ka. Bago mo sana pinuntahan yung sinasabi mong emergency na lakad mo, dapat tinext mo man lang ako kung tuloy o hindi. Last friday pa ako nakipagdeal sau sa Nokia Asha 210 mo. Posted price mo was P2,300 at nkipagdeal ka na ibibigay mo ng 2k. Tinext kita ulit kahapon, sabi mo ok, text text na lang sa araw ng meet up which was kanina. Tinext kita ulit kanina bago ako umalis ng bahay pero di ka sumagot. Nagtiwala ako sau kaya pumunta ako sa meet up natin. Usapan natin 12-1PM, hinintay kita ng hanggang 2PM. Tinatawagan kita pero di ka sumasagot, andami ko din text sau pero walang reply. Tapos magtetext ka na naiwanan mo celphone mo sa bahay nyo. Bro, alam ko negosyo mo ang buy and sell kc madami ka items for sale. Dapat maging professional ka sa mga makakadeal mo. Grabe perwisyo mo sa akin. Nagsayang ako ng pamasahe galing pa ako ng cavite, pinuntahan pa kita sa ShangriLa Plaza kc malapit ka doon. 180 pesos lahat pamasahe ko. Nagsayang pa ako ng load. Todo effort ako kc akala ko makakamura ako. Lalo pala ako napamahal. Pati pagod ko nasayang. Tapos nakita ko post mo ngaun naging P2,800 na yung Asha 210 mo.
Posted price last December 5, 2013 was Php2,300
Posted Price Earlier was P2,800
Ang masaklap pa nagtext ka sa akin ng 3:50PM na sabi mo kararating mo lang ng bahay at naiwan cellphone mo sa bahay nyo. Pero nkapagpost ka pa ng 1:25PM sa Nokia Asha 210 mo. Patunay ung picture na naka attached.
Sorry, kailangan kong gawin ito para di mo na gagawin sa mga iba mong makakadeal.