Bumili kami ng mga classmate ko sa greenhills ng N95 last month para sa thesis(java app), tinest namin dun ok naman. pag uwi namin sa bahay di na gumagana yung pindutan ng camera at yung pindutan ng commands nadodoble!
so tinext namin yung tindera, hindi naman nagreply, and since nagagamit pa naman yung cp at malayo kami sa greenhills hindi muna namin pinawarranty.
kanina pumunta kami dahil sa thursday mageexpire na yung warranty niya, pagdating namin doon sabi flex daw ang sira(eksakto: flex, lcd ang no warranty na nakalagay sa resibo!) service warranty lang so kailangan naming magbayad ng 1500 para sa flex. sabi ko sira naman yun binigay nila in the first place, sabi naman nung tindera dapat daw within 3 days namin binalik yun. sabi pa niya nagreply daw siya sa text namin
nagtanong din kami sa ibang tech dun kung libre ba ang service sa pagkabit ng flex sabi naman nila oo - so wala rin palang kwenta yung service warranty na binigay nung tindera dun!
tinanong din namin sa ibang tech yung pindutan ng camera: sa housing lang pala yun kaya ok lang.
to cut the story short wala kaming nagawa kundi umuwi nalang..
hindi naman namin alam kung ano yung flex na yun na nakalagay sa resibo. nakipag away pa kami dun. at nagreklamo sa information desk.
moral of the story:
-ipawarranty agad sa kanila w/in a day or 2 pag may napansing defect.
-at beware sa tindahang ito: apple telecom sinamantala nila ang pagkaignorente namin sa cellphone at binigyan kami ng defective item.
ganyan talaga kahit saan tiange ng cellphone shop ka bumili, kaya kung may budget, hindi naman tayo bibili sa kanila. anyway, naranasan ko na to.
narefund ko naman ang pera ko, nakipag away din ako.
pero ang mali nyo dapat pumunta kayo agad kinabukasan, para wala sila lusot. ganun talaga dun, sila pa matapang.