User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Lenovo K900 (Intel™ powered Android 4.2 Jelly Bean Smartphone)

  • ^Try mo sa service center.

    @pkeaarcle ok na ang skype. Kakasubok ko lang last week.Linaw ng camera hehe.
  • guys my tempered glass protector n ba ang k900?
  • Meron. Huling kita ko dito 900 pesos.
  • Guys,

    Nagloloko GPS ng fone ko, saka yung battery status hindi dynamic update. Kumbaga di mo makikita sa display na nababawasan yung charge. Mamamatay na lang sya pag ubos na yung batt, and no warning din at all. Nangyari na ba ito sa inyo?

    Dinala ko sa Lenovo repair center sa Greenhills kanina, kasi under warranty pa. Dapat daw palitan ng board kaso wala stock nung board, on order pa daw. Yun nga lang di daw nila alam kelan darating, pero itetext daw agad ako pag meron na. Eto gamit ko pa itong unit kasi nga di pa nila marerepair.

    Waaaah!
  • hm ang k900 ngayon mga sir?
  • May nakaexperience na senyo ng ganito: ayaw pumasok ng sound sa headset? Saka Google Chrome not working? Tinatamad pa ako mag factory reset kaya tanong muna if persistent ung ganitong problema sa phone na'to.

    I have this phone for a while kaso hindi ko siya masyadong nagagamit since 2 phone ko and mas comfortable ako sa Note, so hindi ko laspag ung unit.
  • ^ nope, haven't experienced that in my K900.
  • Just did a factory reset. Eto talaga problema ng phone ko:

    1. Speaker out lang gumagana pag tumatawag.

    2. Namimili ng earphone.

    3. Not really sure pero walang speaker out option ang radio.

    Oh well. Buti na lang may warranty pa.
  • I wanted to get this as a free phone from my company kasi ang ganda ng design and features unfortunately dami nagrereklamo about the glitching and the intel hyperthreading compatiblity problem and also the overheating of the battery. Has this issue been fixed?
  • I had my K900 for some time now. Siguro mga six months na rin. No problem enountered naman although di ako gamer so can't give feedback regarding gaming performance.
  • Mga bossing, may idea ba kayo kung narereplace ng service center yung sa bottom part ng k900? Di na kasi ako makapagfile-transfer, hindi nadedetect, tsaka sira na rin ang mic sa baba, sabi sa akin ng technician sa cubao kelangan ireplace yung sa baba, pero walang nagbebenta ng part na ganun. Tsaka magkano kaya sa service center?
  • I just downloaded the AOSP android 4.3 version for the k900 from lenovo's support site. Tanong lang po mga master: paano ito i-install sa k900? Worth it bang i-upgrade ito sa 4.3 AOSP? May mga negative side effects ba ito?
  • k900 user since nov 2013. unfortunately na crack na ang screen ko, isang lengthwise crack sa gitna then nilagay ko sa jeans ko at ayun, kumalat ang basag. sira din ang usb charger port. may nabasa na kong ganitong issue before kaya expected ko na mangyari ito.

    I will do a DIY replacement of parts. Using only a youtube video and pure guts. hehe. update ko kayo guys.
  • good luck sir sa venture niyo. ako i gave up on the k900 actually sa buong lenovo smartphone line. i'll never touch or use a lenovo smartphone with a ten foot pole. lousy after sales service. sinungaling/tamad/palpak sa updates. mura nga handsets pero and mahal ng replacement parts.

    still keeping and using their tablets and pc's. dun sila magaling IMO. anyway, gamit ko ngayon cherry mobile one (yung android one model) while contemplating kung anong magandang phone na gamitin.

    again, sir, good luck!
  • Good evening guys.

    Tanong ko lang kung san magandang magpaservice ng K900? Bigla na lang kasing nagloko ang screen habang nakacharge. Mukhang naipit, pero wala naman gumagalaw. Papalitan ko na lang, Yung sulit na presyo sana. TIA
  • May nakita ako sa Quiapo. 2,200.00 ang replacement na touch screen
  • ^ Salamat sir sa info. Puntahan Ko na lang next week
  • New development. Dumating na rin ang hinihintay ko na part. Usb charging port. nag-try ako bumili sa e-bay.ph pero walang local seller kaya kumagat na ko sa international seller.
    info:
    *price is PhP 650.00 paid thru paypal + PhP 100.00 sa post office.
    *ordered March 28. arrived May 28.
    *item is the exactly what I ordered pero hindi ko pa na-try kung gumagana.

    Kailangan ko na lang mag-ipon para pang bili ng touch screen and ok na ulit ang k900 ko.
  • @heavyeuipment

    Yung official service center nila located sa likod ng greenhills shopping center. Walking distance lang mula virra mall at katapat ng casino Filipino. Eto address at telephone number nila: unit 102, jafer place building, #19 eisenhower street, north greenhills, san juan, metro manila. 721-2162 or 881-7500.
  • @duo_m

    Thank you sir sa info. Tawagan ko na lang mamaya. Sana lang mas mura singil nila. Nagtanong kasi ako sa SM North, aabutin daw ng 8500 ang pagawa ng lcd.

    Inabot lang ng 1 yr and 10 days yung yunit ko. Nakakainis, kung kelan lumampas yung warranty period saka nasira.

Browse Items

More »

Search TipidCP


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys

-->