Brod, kung sino ka man wag kang manira ng acount ng may account dahil wala tayong naging deal at di kita kilala. Matahimik ang buhay ko rito sa TCP at wala akong inaagrabiyadong tao rito, baka nagkakamali ka ng nilaglagyan ng feedback.

Sana siguraduhin mo muna kung ako nga yung tinutukoy mo dahil wala ka sa record ng mga nakatransakyon ko at higit sa lahat di ako nanloloko ng tao.

Kung sino man ang nanloko sayo patunayan mo, pakita mo rito ang sinasabi mo kung may screenshot ka ng PM, text messages or any evidences pakita mo wag yung gagawa ka ng feedback sa taong walang ginagawa sayo ng masama.

Kilala ako halos rito at lahat ng customer sa akin mahalaga at iniingatan ko,.


Sana nagkamali ka lang ng lagay ng feedback at walang anumang personal na motibo at sana makita rin ng ADMIN ang mga ganitong cases.


Maraming salamat TCP!