ayoko sanang gawin to sir pero gusto ko lang depensahan ang sarili ko..gusto ko lang din malaman nyo na totoong tao ako't di manloloko..


unang una po for your info rin po di po sakin yung fone, pabenta lang po ng fren ko yun..nakalagay naman po yun sa post ko eh..(pabenta lang ng fren ko-nakalagay)nakisuyo lang dahil fren ko tinulungan ko


pangalawa, inaasahan ko na negative feedback mo dahil sa nangyari at humingi naman po ako ng pasensya sa inyo.. ng paulit ulit... di ko po yun ginusto.. malinaw po ang usapan namin, ang mokong lang di pala nagpaalam sa nanay nya na bebenta yung cp nya.. pinuntahan ko sya sa bahay nila kinausap at ng mapakausap ko mismo sa inyo...


pangatlo, di lang kayo ang naabala.. gumastos ako sa load at nasayang din ang panahon...tulad nyo nagtatrabaho rin ako, abala rin sakin dahil fren ko nid nya money kaya tinulungan ko..ang nangyari kaw na nga tumulong kaw pa napasama..


pang-apat, ang nakikipagnegotiation sa inyo ay girl hindi boy..babae po ang nakikipagnegotiate, lalaki naman po ang nakikipagmeet.. in other words dalawa kami sa account na to..mahirap na kasi girl ang makipagmeet eh..


yun lang po..malinaw na po sana sa inyo na di ko ginusto yung nangyari..biktima rin ako tulad nyo..


THNX... peace po tayo..