User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

User Ratings

BossgoddessFreya

Regular Member

User Items All feedback Positive only Negative only

Member since: June 19, 2014 07:24 PM
Last online: August 22, 2014 08:40 PM
Location: NCR - Las Pinas City
Contact Number: 09996122084

0% - 0 Positive feedback 100% - 3 Negative feedback

User Feedback

  • thermalgoggles on July 12, 2014 04:00 AM

    Sa mga sellers (lalo kapag may pics kayo na kumpleto ang item kasama ang box):

    Iisa lang po ito at si username: sonline. May profile din siya sa Sulit/OLX.

    Konting advice lang po kapag magbebenta kayo ng item kay ma'am:

    Bumili po siya ng Cherry Mobile Superion Probe sa akin. Nag-sure buyer agad siya at pina-request niyang i-delete ko ang ad ko, meetup daw kami kinabukasan. Sinabi ko na nakita ko sa sonline profile niya na may negative feedback siya galing kay JiroPrinz8 dahil tumawad nung nag-meetup sila, sinabi ko na final na ang offer niya, di na pwedeng tawaran. Sabi niya kasi daw defective yung item na nabili niya, so okay. Sinabi ko rin na hindi ko idedelete ang post hangga't di niya nabibili.

    Sinabihan ko rin siya na pwede naman niyang icheck ang item onsite para sure na walang issue, research niya rin ang reviews/specs para alam niya ang ie-expect. Sabi niya, nagkaroon na ang sis niya ng ganun, so okay uli.

    Na-late ako ng mga 15-20mins sa meetup venue, binanggit niya na buntis daw siya, so sabi ko sana nasabi niya beforehand para pinilit kong agahan. Chineck niya yung screen, audio, sim/cardslot, etc. Sabi ko i-factory reset ko yung tablet, wag na daw. Okay, walang problema. Inabot ko yung box, binura ko ang mga user accounts ko, reboot, tapos abot sa kanya. check niya uli, tinanong kung pwedeng tawad ng 100php, sabi ko kung ano ang napag-usapan, yun na. Inabot niya yung bayad, salamat, tapos alis. So akala ko, okay na. Nag-positive feedback ako (dinelete ko na, syempre).

    Maya-maya, nag-text, akala daw ba niya good condition at no defect, bakit daw may dead pixel? Sa buong panahon na ginamit ko yung tablet, wala akong nakitang dead pixel, sabi niya pag black daw yung background kitang kita, so sabi ko, soli na lang kung di siya satisfied. Wag na daw, mamamasahe pa siya. Papalitan na lang daw niya sa store, pwede daw ba yun kahit walang warranty card? Sabi ko, yung receipt ang magsisilbing warranty, inulit ko, tested ko yun 100% no deadpixel. Tanong niya na lang sa Cherry Mobile kung ano ang process nila. So okay, back to work na.

    Kinagabihan pagcheck ko ng phone ko, nagreply siya na kung pwede daw ba isoli, magagalit daw ang kuya at asawa niya kapag nalaman na 'defective'. Tapos ngayon may bagong issue: mabilis din daw ma-lowbatt.

    Sa puntong ito, nagduda na ako na impulse buyer yata itong si Ma'am, na pagkabili tapos di niya nagustuhan, magrerequest ng soli at gagamitin ang asawa/kamag-anak para konsensiyahin ka.

    Kaya naisip ko na mag-search ng mga seller ng Superion Probe, yun. Naka-post na agad yung exact same item na binili niya gamit itong ibang username niya, kasama yung receipt na obvious na galing sa akin!

    http://www.tipidcp.com/viewitem.php?iid=147874879

    Ang nakakagulat, sa description:
    Good as new
    In perfect condition
    No defect


    So nasaan yung dead pixel na inirereklamo niyang defect? Klarong impulse buyer. Tsk.

    Tapos ngayon magtetext na may konsensya daw ba ako: may dents na nga, mabilis pa ma-lowbatt tapos biglang mangangalahati yung screen! Ako pa ang manloloko ng kapwa, e naka-post:

    Good as new
    In perfect condition
    No defect


    Nagsisisi daw siya na kinuha niya yung item ko. Ma-karma daw sana ako.

    Hay naku ma'am. Hindi ko sana kayo sasagutin, kaso baka gawin niyo uli ito sa iba.

    Una po, papayag na sana akong i-refund kayo kung talagang defective ang item (kahit chineck niyo sa harapan ko, na-test ko na at sigurado akong walang kahit anong issue yan). Sinabi niyo, wag na dahil mamamasahe pa kayo. Okay, understandable. Tapos biglang maya-maya, magsasabi kayo na isoli ko na lang dahil magagalit ang kung sino? Hindi po problema ng seller kung magalit ang kamag-anak niyo sa binili niyo. Hindi po valid na rason yan para magsoli kayo sa kahit anong negosyo.

    Ikalawa, kaya po may meet-up para maiwasan yung mga magbibintang na defective ang binentang item. Ite-test mo onsite para sigurado kang walang problema. Tinest niyo sa harap ko, wala kayong nireklamo, inadjust niyo pa yung brightness, siguradong lalabas ang dead pixel kapag maximum brightness. Ang linaw-linaw ng screen, binusisisi ko pa bawat kanto para lang siguradong walang issue bago ko inabot sa inyo. Tapos ngayon biglang madali na rin maglowbatt at may dents na? Malay ko kung ano na ang ginawa niyo sa item?

    At ang pinakamasaklap, nagrereklamo kayong defective, pero nagpost kayo gamit ng ibang account, na GOOD AS NEW/IN PERFECT CONDITION/NO DEFECT yang mismong eksaktong item na binili niyo? Foul na po iyan. Tapos ako pa ang hihilingin niyong ma-karma.
  • sonline on July 12, 2014 01:33 PM

    ako to c bossgoddessfreya.. for your information mr. THERMALGOGGLES.. hndi po skin account to s friend q to hiniheram q to pra hndi mgflood or mbanned ung post q d2 s tcp pra mkita lng agad ung post q.. kya ginagamit q ung account q pati to s iisang item..


    REPOST q lng reply q syo mr. bogus.




    HIGHLY NOT RECOMMENDED THIS SELLER..


    matino aq kausap.. kapal ng mukha m hndi q n nga pinost ung ginawa m eh tapos aq p bibigyan m ng negative feedback at sisiraan m p my pinagaralan kb??


    eto syo..


    External Image



    External Image



    eto ung picture bago nagawa un unit buti nlng my kaanak aq n marunong gumawa ng ganito n hndi binubuksan ung cp at hndi mwawala ung warranty..


    bukod n sinabi m s post m n bago q syo binili to n wla dw defect at good condition ung unit eto ang resulta nung tinest q d2 s bahay kaya pla maliwanag ung background nung pinapakita m skin un dahil pra hndi mkita ung prang dents s screen dhil s dark background mkikita un..


    bago k manira alamin m muna kung bakit q un sinabi s post q n good condition at wlang defect dahil nga gwa n ung unit hndi aq katulad mo..!! bukod n sinabi m skin n wlang defect ung unit , late kn ng isang oras s meetup SIRA P UNG UNIT N BINIGAY M, at take note sinabi nya n ibalik q dw s kanya kung hndi aq satisfied then nung isosoli q n WALA NA AKONG NATANGGAP N REPLY S KANYA kya aq nlang naghanap ng paraan pra magawa ung unit dahil s kalokohan n ni tong c THERMALGOGGLES.. kaya s mga nkakabasa ng conversation nmin my ebidensya po aq hndi tulad ng manloloko n to..!!!
  • thermalgoggles on July 12, 2014 04:56 PM

    -Hindi ako naninira, kayo po mismo ang gumawa ng paraan para pagdudahan ko kayo. Sasabihin niyo defective yung item ko pero iba yung pino-post niyo. Gagamit pa kayo ng mga salitang 'kapal ng mukha,' 'my pinagaralan kb,' 'manloloko'.

    -Inexamine niyo yung screen, inexamine ko yung screen bago kayo umalis.
    Ngayon biglang may 'dead pixel' na. Mapa-light o mapa-dark na background wala akong nakikitang ganyan sa screen sa buong tagal na nasa akin yan. At wala pong dead pixel na ganyan ang itsura. Dapat pala ini-screenshot ko yung resulta ng Phone Diagnostics at Dead Pixel Test para malinaw na kung ano man ang defect na lumabas, galing na sa inyo.

    -Okay, mali na pinaghintay ko ang isang buntis na babae, Aaminin ko yan. Pero walang koneksyon ang pagdating ko ng late sa kondisyon ng item.

    -Nagrereply ako sa inyo, hanggang sa makita kong pinost niyo at nilagay niyong Good as new/In perfect condition/No defect yung item, maka-ilang oras lang pagkabili niyo, habang tine-text niyo ako na 'defective'. So kung isinoli niyo pala, perfect condition na uli yung matatanggap ko dahil pinaayos niyo na agad ilang oras pa lang?

    -Gawa na yung unit agad, pagkatapos ng ilang oras lang, pero tinatanong niyo kung pwede bang i-replace yung tablet sa Cherry Mobile? Kung 'gawa' na pala yung unit, bakit kailangan niyong ipa-replace?

    -Inilagay niyo: No repair (Ntc seal still intact). Pero pinaayos niyo sa kamag-anak niyo. So repaired na pala.

    -Dapat po kinunan niyo pati yung mga dents, inorasan niyo kung gaano kabilis ma-lowbatt. Tungkol sa mabilis ma-lowbatt, baka po mabilis nang ma-lowbatt sa inyo ang 3-4 oras na straight use nang naka-max brightness at on ang wifi at may background apps. Remind ko lang po kayo: Quad-core tablet po iyan. Sinabihan ko kayo na sumali sa mga users forum at mag-research para alam niyo kung ano ang ie-expect na performance nito.

    External Image


    External Image


    External Image


    External Image


    External Image


    External Image


    External Image


    External Image


    External Image


    External Image


    External Image


    External Image


    External Image


    Sa puntong ito, mga 8PM, nakita ko nang pinost yung item.
    Posted by BossgoddessFreya on Jul 10 2014 07:00 PM
    0% - 0 Positive feedback, 0% - 0 Negative feedback
    Location: NCR - Las Pinas City Contact Number: 09996122084


    External Image


    ---
    Kaya nagpost ako:

    thermalgoggles Send Message View User Items on July 10, 2014 09:41
    Ma\'am, kayo na po mismo ang nag-post niyan:
    Good as new
    In perfect condition
    No defect
    No repair (Ntc seal still intact)
    No dents
    All button working well
    Openline
    Screen protected
    Confirmed po galing sa inyo na walang dead pixel (at na-test niyo rin naman po kanina), otherwise ipo-post niyo po na mayroon.
    Salamat po sa paglilinaw.
    ---

    External Image


    Tapos ngayon may mga bagong issue na.

    Dinelete pa yung post. Kung naibenta niyo man yun, kailangang mabasa nung buyer niyo kung ano ang tunay na condition galing sa inyo.

Browse Items

Search TipidCP


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys