User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Budol Budol Gang

  • uploaded pics of suspects...
  • ano yung mga pictures na yun? parang nahuli na tas ano yun, pinakawalan???

    parang nag jump bail?
  • nagbail.. Php 20,000 lang naman kasi bail ng mga ganyan.. ewan ko ba.. feeling nga namen my koneksyon sa makati police yan.. ilan beses na nahuhuli eh, nakakapagbail kasi nga d naman masyado daw mabigat yung case.. mababa lang kasi.
  • kung may kaso na yan dati tas nag jump bail hindi dapat hahayaan yan makapag pyensa pa kasi bad record na.

    meron akong friend na biktima naman ng extorsion, una nahuli yung guy tas nakapag pyansa tas bigla na lang nawala, tas binibiktima na naman ulit friend ko bobo talaga kala maiisahan ulit, eh ayun nahuli ulit. hindi na pinayagan makapag pyensa. dahil nahirapan din yung pulis na humuli din, ayun pinatira sa pwet hehehe pina rape sa loob ng selda.

    lalake yun ha, may itsura tas english speaking, slang mag tagalog eh kasi lumaki din sa australia kya hindi mo akalain manloloko
  • dapat talaga... tnatrabaho pailalaim yang mga ganyan.. nakakapanggigil mga mukha ng mga suspek na yan!!!!!!!
  • pangarap kong makulong...

    lalo na pag malamig ang gabi. Kiddin


    When i was still little, i asked my mom. Bakit hindi na lang pataying yung mga kriminal? like i dismember ang katawan, i acid bath, sagasaan ng pison, gilitan ng leeg, stoned to death, ipako sa krus, ipakain sa leon.

    my mom answered: anak, masyado kang nanonood ng clavento files at regal shocker.

    I dont agree dun na i brokbak yung kriminal. What if the criminals' gay? eh di lalo pa matutuwa un


    Don't worry, ill pray for them souls tonight before i go to sleep. Alagaan na lang muna si granny kasi baka damdamin masyado ni granny.
  • salamat@eric_cartman

    she's doin ok naman pero still crying everytime she remember what happened to her..
  • isumbong na iyan kay bonggang-bonggang bongbong.. ;P

    Kidding aside, all i can say is....

    It SUCKS man! :( phoooey...and when you get caught for jaywalking, you suffer being humiliated..as for these a%$hole$, they still walk it out with their heads up high.. %$#@# losers.
  • nangyari na yan sa friend ko 2 years ago. kaso hypnotized holdap ang nagyari. ganito yun nasa Mall silang 3 tapos bigla na lang may lumapit sa kanila na naka formal attire pa kaya hindi mo rin naman pagdududahan.kinausap sila about recruit ng frat kesyo APO daw siya hanggang sa madala sila ng lalaki sa Jollibee Regalado nilibre pa sila ng burger at drinks, ang natatandaan lang nila na sinabi ng lalaki ay AKIN NA ANG CELLPHONE NIYO. ayun binigay naman ng 2 kong friend tapos nagpaalam yung lalaki may susunduin daw siya na kakausap sa kanila.tapos pag labas ng lalaki bigla na lang nagising yung friend ko at takbo sila palabas ng jollibe wala na yung lalaki. 2 lang sa friend ko ang nakuhaan ng cp yung isa hindi nagawang awatin yung kasama niya dahil wala din daw siya sa sarili at parang tulala.

    -- edited by iluvfries26 on Oct 09 2008, 07:21 PM
  • dapat sa mga ganyan bitayin... wala silang lugar para mabuhay.
  • alam niyo ba sa shop namin may nag pa-scan LOSS OF AFFIDAVIT share niya yung nangyari samin ang laki rin ng nawala sa kanya cash, passport, cp, jewelry lahat ganito yun. nasa chowking sila kumakain kakadating lang kasi yung bag niya nilagay niya sa table. tapos may dumaan na lalaki parang nagspray daw siguro kasi after nun nawala na sya sa pag iisip parang tulala na rin nakuha yung bag ng hindi niya alam paano nakuha gayong nasa table niya lang nakalapag. nagtetext pa nga raw sa kanya at pinatutubos yung passport dahil by december naka-base na siya sa Canada.grabe sa loob na ng chowking may nangyayari pa.

    -- edited by iluvfries26 on Oct 09 2008, 07:22 PM
  • naku..habang binabasa ko itong storya mo, umaapaw ang dugo ko sa mga hayop na yan...dahil ang nanay ko nabiktima na rin nyan sa tandang sora, few years ago..sorry na lang sila, walang pera ang nanay ko...nakuha lang sa kanya eh ung pnb atm na wala nang laman at ung gulay na pinamalengke ni nanay, at isang pares ng mumurahing hikaw..ung bundle na inabot kay nanay pagkadala nya sa pnb eh sinabi agad ng teller na nabiktima cya ng budol budol...ang siste naman eh naghahanap daw ng trucking...tsk tsk..

    inis na inis ako habang binabasa ko ang kwento mo...dapat mamatay na ang mga iyon...

    i will copy your story and send it to my contacts dito sa email ko at baka magprint pako para ipabasa sa mga ka bed space ko dito sa mandaluyong para maging aware din sila...

    hindi ka nag iisa jan...dapat mahuli ang mga iyon...

    -- edited by lezalga on Oct 10 2008, 08:26 AM
  • double post

    -- edited by lezalga on Oct 10 2008, 08:25 AM
  • MODUS TITLE: PULIS PATOLA
    happened last night may 29, 2011
    Pasay metropoint mall

    Mag ingat sa buyer na NAGPAPANGGAP na PULIS.
    this story just happened last night may 29, 2011 @ matropoint mall pasay. nung 1st inquiry globe number ang gamit. at babae daw. nag iinquire sa blackberry phone. mahaba ung naging negotiation sa txt ksi di nya alam model ng tinatanong nya. i have 1 blackberry curve 8900 javelin and 8520. so tinext ko sa knya yun. that time nbenta ko na ung javelin 8900 ko. kya inoffer ko ung 8520 nlng. then next day sat. ngpakilala na ung asawa daw nung babaeng nag inquire sakin pulis daw sya at naka duty sa pasay. di mo mapagkakamalan na scammer ksi una pinipilit sa police hedquarters daw nila mgkita ksi nka duty pa sya. meetups ko lang that time is alabang or sm makati dhil di ako masyado familiar sa place ng pasay. umuulan din nung time na yun kya nareset ng sunday after lunch yung meetup. at sabi 2 phones daw na blackberry kailangan nila dhil tig isa sila ng wife nya. pinipilit ako na pag pmunta daw ako dalawa yung dadalhin ko. sabi ko 1 phone lng ang dala ko dhil yun lang ang blackberry phone ko availble. di nasunod ung meetup time nya na 2pm ksi may ibang lakad ako nun. pinilit ako kasi magchuchurch pa daw sila. so nag meet kmi around 6:30pm na. usapan sa loob ng metropoint mall, pagdating ko un pinapunta ako sa tapat ng entrance ng lianas supermart. may shop daw dun yung mother nya at mgcoclosing na kya dun nya nlng ako imeet. ngpakilala sya na pulit so pgkakita ko nka PULIS ATTIRE TLGA SYA. PNP uniform, pnp jacket black. malaking backpack. pinakilala nya sakin ung dlawang matanda as mother nya, nag oo naman ung dalawang gurang. tapos ung wife daw nya na titingin ng blackberry ay pagod na ksi inabot na ng gabi ung meet. kya sa bahay nlng daw nila magkita. kabilang street lang dw ng kalsada. tapat ng lianas (PILAPIL STREET) 2mins away so sumama nlng ako dhil mlapit lang at di ka magdududa ksi PNP nga!
    paglakad sa street prang lhat ng tao dun pinapakita nya na kakilala nya. lhat binabati at lhat kumakaway nmn sa kanya. pinagdala pa nya ko ng ID pra sa aknowledgement receipt daw nmin na gagawin. pinakita ko drivers license ko. bumili pa sya ng ballpen sa tindahan mismong tapat ng bahay nya na sinasabi nya. pati ung matanda sa tindahan binati nya sa pangalan at bumati rin nmn pabalik sa knya. so di ka tlga magdududa na tga dun nga tlga sya. sa harap ng bhay may van na nkapark. dun n kmi nag usap. CLOSED gate yung style ng pinto ng sinabing bahay nya. dun na ko pinagawea ng note dhil private place daw ung loob ng bahay. at may malaking aso bka mkawala. habang gumagawa ako ng note. naisipan nya tignan yung phone (blackberry 8520) at hinanap yung charger pra matest daw kung working nagchacharger, papaso dw sya sa loob ng bahay at papakita sa asawa dhil nkahiga na. so pinadala ko ung phone ksi loob lng nmn ng bahay yun. after 5mins bumalik palabas dala prin ung blackberry pra wlang motive na itatakas nya. nakita nya ung isang phone na gamit ko pang text (samsung punch C3222) sabi nya bilhin nlng rin nya ksi isa lang dala ko na bb phone. tumanggi ako dhil di ko binabenta at sabi ko mura lang bnew nito. pinilit nya na ippakita lng daw sa asawa nya at bka magustuhan ang itsura. pumasok sya ulit sa loob. after that wla nang lumabas ulit. pero marami ako nririnig na nag uusap sa loob. at tugma sa cp ung tunog ng pinag uusapan. may babae may lalake. 20mins waiting sa labas wla nang bumalik, at kumakatok na ko sa gate wlang sumasagot. nung may dumungaw sa 2nd floor na babae, hinanap ko ung pumasok dun na pulis sabi ko pkitawag. wla daw dun nkatira na pulis. at wala sila napapansin. yun pumasok ako at umakyat sa 2ndfloor ksama yung pinag tanungan ko na babae. maliit na apartment pla yun at puro babae lng nkatira. yung bahay pla sa 2nd floor may daanan patagos sa kabilang kalsada ng main road ulit. nung di ko na sya makita, binalikan ko ulit lahat isa isa yung mga pinakilala nya na mother nya, at yung matanda sa tindahan, yung mga tambay sa gilid gilid ng bahay na binati nya, lahat tumanggi na na wla daw silang kilala na pulis. at yung kasama ko na kumausap nila ngyn lang daw nila nakita sa lugar na yun. NIREPORT ko agad sa police station at pinablatter. at sabi sindikato daw yun. at yung ginamit na pangalan na pulis MARK REYES napaka common daw na gawing pangalan ng pulis. nag check sila ng ibang cases ng reklamo sa cellphone. lahat ng records SAME SITUATION, SAME STRATEGY, SAME STREET lahat nangyare sa PILAPIL STREET. mga records pa ay (iphone4 32gb, blackberry, nokia hi end phones) lahat hi end ang tinitira.

    NATANGAY 2 phones ko, BLACKBERRY 8520 white, at yung SAMSUNG C3222 (3week old) ang nakakabadtrip, yung smart at globe sim ko na 4yrs ko nang personal number kasama natangay nung pulis patola na yun!

    So ingat. pag may na-encounter kyo na ganitong prospect ng buyer, mag ingat at ireport agad. nkareport sa pulis na pag naencounter same style at situation pwde ipadampot agad.

    pasensya sa mahabang story. kinumpleto ko details pra once ma-encounter nyo ay maiwasan agad. at mag ingat.
    HINDI LAHAT NG PULIS MATULIS, YUNG IBA PULIS PATOLA LANG!
  • Moral Lesson learned.. thanks!

    Kaya ako nakikipag meet lang sa loob ng mall or kung hindi man sa isang restaurant or establishment na alam ko at safe.. Kahit insist ka pa na sumama sa ibang lugar dapat wag kang basta-basta sasama. Kahit mukha pa syang artistahin at kagalang-galang na tao, considered as "stranger" pa rin yun.

    -- edited by x2mask on May 30 2011, 11:08 AM
  • @ x2mask

    oo nga, nadale ako dun tsk tsk, sa tagal ko nagbbenta ng cellphone.nastylan ako nun. ksi 2pm pa ang usapan nmin. nag reset ako ng sched khit gabi. ksi sakin sinisisi naaabala daw sched nila dhil nka duty pa, at sunday family day daw mag chuchurch pa. kya pagdating dun ngbago bigla ung meetup place. di ko na napansin ang nangyare, ngmamadali nrin ksi ako. ang usapan namin is sm ayala or loob ng metrpoint foodcourt. ginamit nyang reason ung matanda na parang kasabwat nya pra mapapunta ako sa sinasabi nyang shop nila, mga nagbibigay lang ng fliers ng real state. lahat ksi ng itanong ko sa matanda oo lang ng oo. anak dw nya. pagbalik ko biglang di na kilala.

    lesson nrin to, and help nrin pra sa iba na makakabasa para maiwasan mangyare rin sa kanila.

    what is money paper only. abuloy nlng sa kanila yun mga gipit pa sa daga.

    nawala sa isip ko na kakabalita lang sa news last week ung nakilalang sindikato na ngpapakilalang 2 pulis na nagpapanggap, cellphone at laptops naman ang target na nabalita dati nung napanood ko.

    -- edited by BensonBernabe on May 30 2011, 11:17 AM
  • kapag pulis ang ka deal ko duda na agad ako diyan,

    Kapag sa bahay nila ang meet up tapos ipapasok sa loob ng house nila yung phone mo for charging test tapos ikaw maiiwan sa labas, kaduda duda na yun,
    May ganyang deal na ako e pasok daw niya sa bahay nila yung phone para matest e akala ko sasama ako sa pagpasok hindi pala, sabi ko wait yung pera muna para incase na hindi ka lumabas sa house niyo ibig sabihin close deal na,hehe. Pumayag naman siya,
    Good buyer pala siya,hehehe,

    , ingat lang lage guys tutok lang palage sa deal, dapat maging matulin yung pagiisip natin pag sa deal na,
  • ,

    -- edited by honestipemo_21 on May 30 2011, 11:40 AM
  • @benson

    hindi ba pinakita mo yung license mo??

    Hindi ba nila nakuha address mo or something? mag ingat ka lalo..
  • @ all..

    pinaka safe pa rin talaga sa mall ang transaction.. marami na rin nag offer sakin na ang transaction eh sa parking area and sa loob ng sasakyan, kesyo, my pupuntahan pa at wala ng time para pumasok ng mall or fast food.... pag ganon ang reason sakin, nag papass na ko sa deal kung hindi rin lang sa loob ng mall ang usapan, mahirap na, sobra talagang maraming manloloko ngayon...
    ok lang sana kung makukuha lang ung unit mo or pera, masama pa nito, baka saktan ka pa....
    kaya ingat tayo mga tropa dito..

    makipag transact lang sa pinaka safe na lugar at sa pinaka safe na oras....

    @ benson

    ok lang yan pare, mababawi mo pa ung nawala sau, ingat na lang next time....
  • @ryeotic

    yup tinignan ung license, pinakita ko license ko malayo nmn ako, laguna pa, tska ung address sa license ko ung isa naming house wla na nkatira ngyn, nag move in ksi kmi ng ibang house na. ang purpose nya sa pgpapadala ng license ay pra lumabas na sya pa ang maselan at nag iingat daw lng sya. pulis patola style. alam ko naman kung san bagsak nun. sigurado sa alabang! dun dadalin ung mga cp.
    masyado pa makwento kung ano ano sinasabi kya di ko namalayan. ung itsura pa ng place kabisado nya. di mo tlga pagkakamalan na may lusutan sa likod ung bahay

    tsk tsk ingat nlng tlga nextime. pag nkikipg meet ako sa within malls lng tlga, kadalasan fastfuds or foodcourt. 1st time na npasama ako sa bhay. may pagka unggoy yun mang hipnotize
  • di ko pa naman natanong kung anong site sya nag bbrowse. pero tanda ko yung number nun na gamit. yung SMART 0939*** umpisa, last four digits 7379 or 7393, yung GLOBE nya 0915***1820 or 1870, yan ang gamit nya. style nya pa tumatawag pag matagal ka mgreply pra magmukang sure buyer. bka makarecive rin kayo ng inquiries gamit yang number ingat nalang, medyo may accent yung salita nya.
    baka gamitin nya pa sa ibang tao ung number na gamit nya para mambiktima ksi alam nya nakuha nya ung cp na pinapang text ko sa knya kung san nkasave number nya. e sa dami ng text nya at 3days na negotiation sa text medyo nkabisado ko ung ibang digits.
  • @benson

    kahit malayo mag ingat... kung talaga sindikato nga..

    at tama dapat kung saan ka lagi at ease dun ka lang makipag meet... hindi yung kung saan saan ka pa dadalhin...

    paganahin lage ang 6th sense...

    hindi bale hindi mabenta agad.. huwag lang buhay kapalit
  • @ all. oo nga. safety first lagi. salamat sa mga nag comment.
    ingat sa lahat ng sellers. lalo na pag hi end phones. talamak daw ngayon sa pasay yung ganung issue,
    base sa pinakitang records ng pulis sakin. week by week may report ng cellphone. sa iisang place. pilapil street.

    ingat nlng lahat..
  • nabiktima ako kahapon ng budol budol sa sm san lazaro.
    nagpakilala na member ng apo.
    tsk.

    hinarang aq pra daw sa survey. tpos need iiwan ang gamit. nung una pa lang nahalata ko na na modus..
    kaso sa pagpupumili q na iwan ung gamit ko may kasama ng pagbabanta..

    lesson learned"
    DONT TALK TO STRANGERS
  • ano yung apo?
  • APO = Alpha Phi Omega, one of the oldest fraternities in the PH

Browse Items

Search TipidCP


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys