siyempre nakakahiya naman na pumunta ka sa shop and then disapproved ka rin pala.. nangyayari ba to?
Yep. Nangyari sa akin yan. Nag aplay ako ng plan sa Globe Glorietta 2 years ago.
Their basic requirements that time was 12K salary, 2 Ids, 2 mos Payslip, 2 SOAs addressed to subscriber, CC (optional) pero pag meron, mas madali ang pag proseso ng application.
Lahat ng requirements pasado ako (Including the salary, w/c that time, mas mataas pa sa basic requirements nila), ang wala ako is CC, since hindi ako nag aplay ng CC (until now, cash purchase lang).
Denied ako :( ang sabi nung nag entertain sa akin na mukhang haggard na miss is hindi daw "pasok" yung Basic Salary (w/c I contested kase nga lagpas pa).
Sa inis ko, lumipat ako sa SMART. Kaso, ang haba ng Pila!
So sabi ko, punta na lang ako ng SM Makati para bumili ng Kicks para mabawasan sama ng loob ko.
Eh, meron din Globe sa SM Makati, malapit sa appliance store, then, walang tao! as in, pag pumasok ka, kayong apat lang ng 2 taga globe at si manong guard yung nasa loob.
So nag aplay ako.
Eh, approved at 4k pa yung binigay sa akin na Credit Limit! Pinapa-pili ako ng Handset from Iphone 5, 5c, Note 2 and S4.
Long story short, naka-kuha ako ng plan (My Best Every Super Plan 1299, with 4k credit limit) and S4 Active.
Dumaan ako dun sa Globe Glorietta at hinanap ko si miss haggard.
Pinakita ko sa kanya yung nakuha ko na plan, fone at Credit Limit.
Sabi ko sa kanya, next time, ayusin nya trabaho nya.
So, minsan siguro, tapat-tapat lang yan.
Siguro pagod na si ate nun at marami din kase applicant sa branch nila.