-
skateboardkoko
on
November 25, 2014 11:24 AM
Hello po mga sir/ma'am! :)
Ask ko lang po sana if anong magandang manufacturer pag bibili ka ng Samsung phone? May nagsabi kasi sakin na panget daw pag made in China.
I'm thinking of getting Samsung Galaxy Grand Prime.
Appropriate answers are well appreciated. :)
Salamat TCP!
-
angelopatrick
on
November 25, 2014 01:36 PM
it doesn't matter kung china, vietnam or wherever pa gawa ang samsung phone they are one company that has quality checks and standards in place. kaya same lang yan kung san man gawa ang phone mo
-
skateboardkoko
on
November 25, 2014 01:48 PM
Sure yan sir? Salamat po pala sa pagsagot. :)
-
111jo
on
November 25, 2014 01:54 PM
halos naman lahat ng smartphones made in china may quality support naman yan
-
argeleo
on
November 25, 2014 02:24 PM
Kahit naman made in China yan may supervision yan ng Samsung Engineers. Parang sa manufacturing din dito sa atin. Kahit Toshiba Laguna lang yan, mga Japanese din ang nagmamanage dyan.
-
stolitolits
on
November 25, 2014 03:56 PM
Kahit anong bagay pa man wag lang matatapatan ng lemon
-
skateboardkoko
on
November 25, 2014 09:48 PM
Thanks po for all your helpful answers mga sir! :)
@stolitolits: ano pong lemon?
-
tonnyx20
on
November 26, 2014 03:02 AM
mas ok ba grand prime against grand 2? skateboardkoko
-
casablanka07
on
November 26, 2014 06:35 AM
ask ko lang po sana if anong magandang manufacturer pag bibili ka ng Samsung phone? May nagsabi kasi sakin na panget daw pag made in China.
Tanga or me sapak sa ulo yung nagsabi nito sayo
-
skateboardkoko
on
November 26, 2014 12:33 PM
@tonnyx20: sir kasi yung Grand Prime, newly released lang sya (if I'm not mistaken, Sept/Oct of this year). Maganda naman yung specs and ratings. Check and compare mu nalang sir para sa peace of mind mu. :)
@casablanka07: haha pano mu nasabi sir? :p
-
mykel07
on
November 27, 2014 03:41 PM
mas mura kasi ang manpower cost sa china kaya halos lahat ng product made in china na.
dito nga sa company pinag work kang ko meron nabili company namin printer sa New york usa yun ink nya sa abroad din namin order 2months bago dumating tapos nun binuksan ko yun box nagulat ako made in philippines yun ink hehehe.
@ TS - wala po sa country made ang isang item same parts pa rin ang ginamit dun wag ka lang bibili ng fake. ;)
-
stolitolits
on
November 27, 2014 03:46 PM
@skateboardkoko - lemon yung mga items na nakalusot sa quality check na magmamanifest ng defects in due time
-
skateboardkoko
on
November 28, 2014 11:10 PM
@mykel07: haha ayos yun sir aa! :D
@stolitits: aa okay, yun pala yun.
Salamat sa info mga sir! ;)
-
PaulusDarkus08
on
November 29, 2014 05:00 AM
A little bit of info
3 ang bansa na currently gumagawa ng mga Samsung Phones, Vietnam, China at mismong South Korea kung saan based ang Samsung. Maliit na porsyento lang ang ginagawa sa S. Korea, mainly for variants intended only for their local market, e.g. Samsung Galaxy S5 Prime etc... Ang mga International Versions naman ng mga phone models nila ay either China or Vietnam made. Pero sa obserbasyon ko lang, wala pa akong nakita na either for returned for replacement or RMA pag mga Made in Vietnam, mga Made in China meron.
-
skateboardkoko
on
November 29, 2014 11:50 AM
@paulusdarkus08: makikita ba sa labas ng box kung san ginawa yung phone? And sir ano difference nung mga yun sa mga "korean" version? Copy lang ganon? Salamat sa info. :)
-
casablanka07
on
November 29, 2014 02:00 PM
The best ang mga Finland made samsung phones
-
d_sy
on
November 29, 2014 04:49 PM
Mas mataas ang instances ng "lemon" units sa pinaka-malaki at pinaka-mataas na yield na planta. The bulk of Samsung phones manufactured in China are greater than in Vietnam, hence, the higher percentage na may lalabas na lemon. Hindi yan dahil inferior ang gawang China sa Vietnam. Kalokohang katarantaduhang malaki yan. Kwentong barbero. Sila-sila naglolokohan.
-
skateboardkoko
on
November 29, 2014 08:48 PM
So ideally wherever pa gawa yung phone, dapat sa mismong Samsung Centre/Shop bumili para somehow sigurado ka sa quality?
-
beanspogi
on
November 30, 2014 09:42 AM
Ewan ko ba bat issue to sa ibang tao? Kala yata ng mga tao porket made in china e peke.
-
skateboardkoko
on
December 01, 2014 01:06 AM
Iba lang siguro impression ng ibang tao pag made in China kaya siguro issue sa kanila pag dun gawa ang isang item.
Ironically enough, pina-patronize parin ang mga made in China items. At minsan pa nga, hindi aware ang isang tao made in China na pala ang isang item not unless busisiin nyang mabuti.
-
PaulusDarkus08
on
December 01, 2014 04:12 AM
Mas mataas ang instances ng "lemon" units sa pinaka-malaki at pinaka-mataas na yield na planta. The bulk of Samsung phones manufactured in China are greater than in Vietnam, hence, the higher percentage na may lalabas na lemon. Hindi yan dahil inferior ang gawang China sa Vietnam. Kalokohang katarantaduhang malaki yan. Kwentong barbero. Sila-sila naglolokohan.
For the most part I agree. The more mas mataas ang production, mas lalo dadami ang lemon units. Ang demand ay mataas, you need to keep up with the quota. Kumbaga eh kung mas kaunti ang kailangan nyong matapos, mas natututukan ang Quality Control nito.
-
jopat
on
December 02, 2014 08:52 AM
Maraming Japan products nga e, galing di ng China. Pero mabenta pa rin, as Japan product. :)