User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Buyer and seller issue

  • Mga sir tanong ko lang po, mali po ba na tanggihan mo yung buyer na hindi ka nalang makikipag deal sakanya kase may mas mataas na offer kang nareceive kesa sa offer ng unang nagtxt sayo?

    Medyo rush kase yung pagbebenta ko ng phone, tas nagtxt yung unang buyer na kunin naraw nya ng 17.5k. Sabi ko sakanya okay.. Tas after 2hours may nagtxt na kunin na daw nya ng 18k. So sabe ko sa unang nagtxt na cancel ko nalang kase may mas mataas na nag offer saken. Tas nagalit saken yung nag offer ng 17.5k at lalagyan daw nya ako ng negative feedback. Mali po ba yung ginawa ko?
  • in a legal point of view wala kang ginawang mali since di pa naman talaga tuloy ang deal nyo, at wala siyang right magbigay ng negative feedback.

    pero para sa akin bastos ka at walang isang salita kung ganyan ang ginawa mo. pinaasa mo yung tao, di naman kasi bidding site ang tipidcp. dapat kung closed deal na kayo ituloy nyo di yung aatras ka the last minute dahil may better offer yung iba. may paniniwala lang ako na kung anong asal natin dito sa online communities yun ay reflection ng ugali natin sa realidad.


    but its just me, siguro kung buy and sell business peeps dito sa tipidcp ang tatanungin mo justifiable ng conscience mo. 500 din yun di ba?
  • yes parang nakakabastos nga.kasi paano ku ng reregalo nya yun tapos bigla ka nagcancel dba?kahit baligtarin mo sitwasyon mararamdaman mo din yung badtrip.

    kaya dapat kung makikipagdeal ka yung sure na.kawawa naman yung taong umaasa
  • Legally, walang mali sa ginawa mo. Sa tingin ko din mali na bigyan ka ng negative feedback dahil di naman natuloy ang tranaction. Pero kung lagi mong gagawin yan sa buhay mo, mawawalan ka ng kredibilidad. Depende sa sarili mong values pero para sa akin mas mahalaga ang credibility at integrity kesa sa 500 pesos.
  • Justifiable... 500 din yun e. Pero sana sinabi mo na lang na biglang nasira, boot loop, ayaw ma detect sim or kung anung excuse man na maganda

    -- edited by galitsaksp on Apr 19 2014, 09:44 PM
  • ^ +1 ako dito. sana nag alibi ka na lng ng maayos.
  • pag oo na dapat oo na. parang ganito yan nanligaw yung tao tapos sinagot mo tapos after 2hrs may nanligaw sayo mas pogi/maganda, ibbreak mo ngayon yung nauna tapos sasagutin mo yung bagong nanligaw eh kawawa naman yung una diba.
  • Pero sana sinabi mo na lang na biglang nasira, boot loop, ayaw ma detect sim or kung anung excuse man na maganda

    white lie ba. hehe

    pero okay na rin yung nagsabi siya ng totoo, nagalit kasi yung ka-transact sana. tingnan nyo napagawa siya ng thread dahil troubled siya, at nabasa niya opinions natin. hopefully di na siya uulit. =P
  • Kapag nag yes ka na sa kausap mo dapat kahit may magoffer sa iyo ng doble sa kanya mo pa din ibibigay.. kaya bago ka makipagclose isipin mo ng mabuti.. isipin no na lang na sa iyo ginawa yun mababdatrip ka din.. hindi din maganda magsinungaling.. baka makarma ka at biglang may mangyare sa unit mo o kaya baka scammer yung kausap mo.. kaya ka nabobother kase alam mo mali nagawa mo.. kaya kung tama yung ginawa mo in the first place d ka nakokonsensya ngayon.. just learn your lesson ok lang magkamali..
  • Ano kaya mararamdaman mo sir kung yung nag offer ng 18k biglang nag back out kasi may nakitang ibang item? Sa nature ng tcp kailangan may isang salita tayo, kung mas pinili mo yung mas mataas ng 500, kung mabigyan ka man ng negative e tanggapin nyo kasi kayo naman yung hindi naging professional kausap. Kung seller ka, i agree makakaapekto yan sa credibility mo. Pero kung 1time seller ka lang at di importante sayo yung feedback, i guess u can go ahead dun sa mas mataas offer. Pero dapat mo cgurong humingi ng pasensya sa nauna mong sinabihan ng Yes sa deal nyo.
  • First come. First served - is a service policy whereby the requests of customers or clients are attended to in the order that they arrived, without other biases or preferences. ----------- From Wikipedia, the free encyclopedia
  • @bryson_25

    it depends po. kung minutes (or at most 2 hours) na lang before meetup time tapos saka ka umatras, yung mga tipong paalis na kayo pareho saka ka aatras, aba mali yun. ethics at credibility ang usapan dun. maganda talagang malagyan ng negative feedback yung seller para aware yung mga next na makikipagdeal sa'yo, well unless bihira ka magbenta, may excuse na baka di ka sanay sa kalakaran or anything. or maybe gipit ka talaga. mga ganun ba?

    pero kung umoo ka sa deal at magbabackout ka, pero meron ka pang around a day bago yung meetup (or kahit umaga before opening ng mall mo sinabing di tuloy ang deal tapos hapon pa yung meetup), ayun ok lang, especially below ng asking price mo yung offer nya. marerealize ng buyer na baka may mas maganda pang price offer sa'yo without even asking. by that time din kasi more likely di pa nakapagprepare yung buyer paalis (pera, byahe, etc) walang mako-compromise sa inyong dalawa.

    reference ko experience ko, buy and sell peep ako dati check my profile, no bias here
    my take!

    -- edited by evol1961 on Apr 20 2014, 02:39 PM
  • IMHO, mali.

    May verbal agreement na kasi kayo. Hindi ka naman niya pinilit, at since pumayag ka ibig sabihin acceptable yung price sa iyo.
  • @TS

    No deal? No feedback.

    In case of negative feedback will be posted on your account, you can freely pm our feedback resolution moderator for assistance.

    ---------

    Thread locked

    -- edited by maestrongjake on Apr 20 2014, 08:04 PM

Browse Items

Search TipidCP


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys