Mam nel, hanggang ngayon di mo pa rin napapalitan yung warranted items ko (2x256mb DDR33 at 2pcs CDrom). masyado na akong naperwesyo sa ginagawa mo.Mahigit 5 months kong hinintay pero wala pa rin, tapos na yung warranty period ng item wala pa rin..ano ba naman 'to tinitext kita di ka nagrereply, pagtinawagan nagriring naman, pag sa landline laging walang ringtone, etc...
Nung una sabi mo meron kang pamalit nung text kita para kunin marami kang dahilan (b-day, may lakad, etc..)
Di lang ito ang naging problema ko sa kanya, wala pang 2weeks ung binili kong PC nagkaproblema. 2 days kung hindi nagamit ang PC dagdag bawas din sa daily income ko. Tumawag ako sabi around 9pm ang dating pero wala dumating. Dumating sa bahay 1am (madaling araw) tama ba naman un?!
Eto pa, nagpost ako ng WTB: 512mb SDRAM PC133. Nagreply palit na lang daw sa 512mb ddr333 na sira, tapos nung sinabi ko na how about yung CDrom di na nagreply.
Hanggang ngayon tumatawag ako sa landline nyo ganun pa rin.
Gusto mo lang yata kumita at walang pakialam sa obligasyon mo bilang seller. wag naman ganun! ! ! Dahil pare-pareholang tayong naghahanapbuhay.
Alam ko na alam mo rin na tama ang mga sinasabi ko dito. At sana wag mo ring gawin sa ibang customer mo.