Mukhang lahat po talaga mga ka-TCP, may first time.

First time na ma-lalate ang bibili o pagbibilihan mo ng 45 minutes hanggang isang oras.

O kaya naman,

First time na hindi sisipot sa meet-up na tipong dinayo mo pa iyong lugar tapos pagdating mo sa meet-up point niyo papatayan ka ng cellphone niya.

Pero sa lahat po noon, may mas masahol pa.

Iyong maayos na ang usapan ninyo, babantaan ka na ipapapulis ka, ipakukulong ka pa, at higit sa lahat sisiraan pa ang pagkatao mo rito sa TipidCP.

Opo first time ko po makatagpo ng tao rito sa TCP, at ang tao po na iyon ay itong si itsmevhon.

Heto po ang BUONG pag-uusap namin sa SMS text nitong si itsmevhon:

<click here for link>

Basahin niyo na lang po nang malaman niyo kung bakit hindi kayo dapat bumili at makipag-deal kay itsmevhon.

Ito naman po ang patunay na hindi problema ang sinasabi niya na "charging problem" ng selepono ko:

External Image


Kinuhanan ko ng letrato ang cellphone bago ko ibenta dahil maluwag po ang charging port ng Capdase charger na kasama po sa package. Kapag nag-looloose ang saksakan, hindi mag-chacharge ang nakasaksak sa kanya. Ang charger ang may problema, at hindi ang S3 na binenta ko.

Ukol po sa reklamo niya sa pagiging "rooted" ng device, hindi naman niya ito tinanong sa aming buong pag-uusap.

---

Binenta ko po nang walang pampupuwersa kay itsmevhon ang Samsung Galaxy S3 ko nang nagkita kami sa Pure Gold SSS Village noong May 28, 2013.

Tanging camera lang talaga ang problema nang S3 at sinabi ko iyon sa kanya sa umpisa pa lang ng pag-uusap namin sa text.

Ngayon po na biglang may naging problema sa kanya ang unit ay biglang sa akin na niya binubuntong ang lahat ng sisi.

---

Hanggang ngayon, ramdam-na-ramdam ko pa rin ang kawalan po ng katarungan ng ginawa at ginagawa po sa akin nito na si itsmevhon.

---

Nawa e tanggalin na po ng mga site moderator/TCP Core Team ang mga mapanira na feedback ni itsmevhon sa akin.

AT

Sana po magtakda ito na isang matibay na babala laban sa tao na ito at para po wala na rin siya na iba pa na mabantaan na ipapapulis at ipapakulong sa atin pong lahat, mga ka-TCP.

Mabuhay po tayong lahat, mga ka-TCP!